alvintang ([info]alvintang) wrote,

Family Day

Family day kami kahapon. ang saya!:D matagal na naming ndi nagagawa un. nagsimba kaming sabay2 tapos nagbowling kami tas kumain din kami. nung naglalakad kami sa mall, napansin ko talaga na ang laki naming pamilya (literally). sabihin na nating ako ang 2nd na pinakamaliit sa aming kapatid. o feeling ko lng un?:P hehe. masaya talaga kaso nakakapagod :D

-----------------------------------------

3 lang pala ang kelangan kong itake na finals.. at baka maexempt pa ko sa isa :D swerte!

-----------------------------------------

nanunuod ba kayo ng news? kanina nasa news ung rally sa mendiola na pinigil ng pulis bago pa man magsimula dahil wala silang permit. un daw ung bagong policy ng gov't sa mga nagrarally. nakakaawa kasi napaka-physical ng nangyayari. kawawa ung protesters dahil tinutulak tulak sila. then i wondered.. magmam-martial law nga kaya?!! i wouldn't know how martial law started pero im sure it had something to do with censorship. perhaps hindi ung martial law na naranasan na natin kay marcos ang darating. baka martial sa ibang paraan.. pero wala akong idea kung ano :P sabi ng doj ay pinag-aaralan daw ang takeover sa ilang private companies para macontrol ang economic situation ng bansa. baka dito na magsisimula iyong "bagong martial law"

PAALALA LANG PO: di po ako nagsstart ng isang propaganda :D im just saying mga opinion

-----------------------------------------

naalala ko lang.. sabi ng kuya ko dapat daw ay ndi sinu-subsidize ng government ang increasing price ng oil. kasi kapag sinu-subsidize nila ay tataas ang demand (or magsstay ata) dahil mura nga sya (relatively). eh since subsidized eh hindi napapansin ng nagdedemand ung dagdag na presyo kaya ang gov't tuloy ang gagasta. tama ba ito?? comment naman (emzo, im looking at you hehe :D). pero di mo rin talaga masisisi ang mga tao dahil presyo lang ng bilihin ang nagtataas at di ang kanilang sahod.

-----------------------------------------

nakabili na kami ng slamdunk 25 at 26! woohoooooooooo :D
nakabili na ako ng xmen legends 2!! woohoooooooooooo ulet :D

  • Post a new comment

    Error

  • 5 comments

[info]ponderer05

September 26 2005, 12:13:02 UTC 6 years ago

oo alvin tama mauubos lang pera ng gubyerno kung isubsidize nila un eh eventually mauubos rin naman ang supply at hindi na makakayanan ng gobyerno na saluhin ang gastos. yan ang hirap sa 3rd world, low government budget high international prices=dedo! pero un nga kung equity ang usapan ay dapat isubsidize ng gobyerno ang langis OR think of alternatives for oil para hindi tumaas ang presyo ng mga bilihin. amf. bagong martial law? medyo gusto ko yang makita na hinde... :D

[info]reypinmoko

September 27 2005, 10:56:32 UTC 6 years ago

demokrasyang pulpol tong demokrasya sa pilipinas e.

freedom of speech pero parang lamok lang ang buhay ng mga journalist.

equal opportunities dapat para sa lahat pero hindi binibigyan ng pagkakataong umangat ang mga mahihirap.


$502 million dollars na kontrata sa northrail transit anomalous.

ung chinese company na kinuha nila ni hindi marunong gumawa ng railway.

lalabas na 900 million pesos ang halaga ng bawat kilometro ng railway.

[info]alvintang

September 27 2005, 12:05:18 UTC 6 years ago

kakanuod mo lng ng tv patrol ano? hehe.

halatang halata ang corruption dito sa pilipinas eh. pakapalan na lang ng mukha.

[info]merkuryo

September 27 2005, 11:53:43 UTC 6 years ago

hindi naman talaga subsidy ang gustong mangyari diba?? dapat lang i-control ang pagtaas?? o para ba i-control ang pagtaas kailangang i-subsidize??

tsaka matagal ng nagmartial law.. ayaw lang aminin..

[info]x_revolution_x

September 27 2005, 15:03:38 UTC 6 years ago

Tama si David, icocontrol lang yung pagtaas, hindi bababaan talaga yun presyo. :)

At oo, undeclared martial law.

May primer pala ako sa OIL, may data facts ganon, baka interesado ka :)
Create an Account
Forgot your login or password?
Facebook Twitter More login options
English • Español • Deutsch • Русский…